10.9.07
para sa mga isko at iska
mga non-acad tips lang mula sa isang minsang nangarap grumaduate sa Unibersidad ng Pilipinas...



* sumali ka ng org, frat, o soro. sila ang babalik balikan mo pag graduate mo. unless, naging active ka nung mga resident days mo. piliin mo ang sasalihan mo, hindi porke madaming maganda o gwapo eh dun ka na. plus na lang kung maraming "eye candy" sa org mo. maging dedicated! magtrabaho ng walang hinihintay na kapalit... and when you do, matutunan mo ang value ng "service" at "self-sacrifice". kilalanin mo yung mga orgmates, brods at sisses mo. influence people and be influenced.matutuwa kang makakilala ng mga taong sa drama, telenobela, o comedy mo lang inakalang mag eexist.Ü madami silang kwento at makakarinig ka sa kanila ng kwentong totoong buhay pala. sumali ka dun sa magdedevelop ng skills mo at dun sa makaka contribute ka ng kung anong natatagong galing meron ka! sumali ka ng acad org na hindi puro aral (labo noh), oo hindi puro acads. sumali ka dun sa acad org na priority yung acads pero priority din yung individuality mo as a person. sumali ka sa mga civic orgs kung gusto mo o religious orgs kung amen-amen ang trip mo. Basta, sumali ka!



* manood ka ng plays. naappreciate ko talaga ang panonood ng plays sa elbi. again, realidad! nagkalat ang magagaling na aktor/ aktress sa pinilakang tabing. kung gusto mong tumawa, manood ka! sa panonood ko napatunayan ang freedom of expression sa UP (bukod sa rally, hehe). mga bigla na lang naghuhubad sa dilim (silhouette lang naman yung kita), mga bading na naghahalikan...all in the name of art. matutuwa ka dahil madami pala talagang mahusay na manunulat/ direktor etc at hindi lang sila masyado nabibigyan ng break outside UP. (kaya siguro nauuso ang indie film)

* libutin mo ang peyups. hindi lang ung campus, kasama na yung paligid ng campus.explore mo ang masasarap na kainan, masarap tambayan, masarap gimikan etc. discover mo san masarap mag isaw, mag sisig, mag meryenda, mag foodtrip. san mura bumili ng school supplies, san mas ok mag grocery, san pede ma-satisfy ang midnight gutom, san yung mga shortcuts papunta sa mga buildings, san pede mag ghost-hunt, san pede mag swimming, san pede mag aral ng tahimik,maggitara, magsolo, makipag date. make friends with nature chuva. ilang taon ka lang sa up, either ggraduate ka o makikick out ka, EXPLORE! LB is my home away from home.Ü haayyyzz

* manood ka ng Oblation run. hindi ka naman manonood para lang makakita ng "etits" na naglipana sa kanto. alam mo ba kung bakit sila nag ooblation run?! bakit kaya ginagaya ng ibang frat daw na mukhang gang naman ung oblation run?! ewan ko lang pero palagay ko, sa UP lang yung may "sense" yung pagtakbo ng hubo't hubad. hehe!

* gumimik ka sa mga katabing gimikan. alamin mo yung difference ng mga gimikan sa tabi tabi. san ba puro beer lang, san may sayawan, san yung plain tambayan lang, san yung tahimik, san yung maingay, san yung mausok. wag kang uminom kung ayaw mo, pero try mo yung mga alcoholic, chipangga drinks around na lasang juice lang. hehe! lumabas ka lang, chill out. magkape, mag iced tea kung ayaw tumoma. hang out with friends. kung conservative type ka, magsama ka ng close guy friends para walang mamanyak sayo.pag may trabaho ka na kasi, mahirap gumising ng maaga na may hangover kaya stay ka na lang sa bahay. samantalang nung college, kahit alas-siyete ang klase hanggang alas sais inom pa.diretso klase na, walang ligo pa yun.

* magbisyo ka minsan. o teka, hindi ko sinabing mag droga ka.isang bisyo ko nun eh magkape. manghahatak ako minsan ng hausmate in the middle of the night para samahan ako. sori sa mga hindi aagree, pero try mo tumikim ng alcohol o yosi o kung ano man. hindi ako naniniwala na once na natry mo magyosi o mag alak eh maaadik ka na. dito nattest ang responsibilidad mo. nasa sayo yun noh, kung magpapakalango ka o magkaka lung cancer ka. sa UP, hindi maiiwasan na maging surrounded ka with people na may iba't ibang adiksyon. nasa sayo kung sasabay ka sa kanila.

* sumali ka sa rally. hindi naman to literal ah kung ayaw mo. never din ako sumali sa ganun eh. alamin mo lang yung issue at current events sa campus mo. most of the times, may silbi din naman pagiging chismosa kaya gamitin mo yun para makibalita.isa pa, bumoto ka! kung hindi mo kilala yung mga kandidato, eh di bumoto ka pa din.

* finally. enjoy every moment while it lasts..Ü

posted by lysher @ 4:49 PM  
2 Comments:
  • At September 20, 2007 at 1:31 PM, Anonymous Anonymous said…

    Nostalgia!
    Wah! I miss the days...
    Coffee nights...
    LB square...
    Pagsama lang yata sa rally ang di ko natry jan... Hehehe...
    Agree ako sa lahat ng sinabi mo.

     
  • At September 20, 2007 at 2:30 PM, Blogger lysher said…

    ako din.haha! ayoko sumali dun eh, di naman ako tibak pero minsan binubuhay nila pagka makabayan ko! haha! pwe.naks! hehe

     
Post a Comment
<< Home
 
 
 
About Me


Name: lysher
Home: san pablo city, laguna, Philippines
About Me: coffee addict. bano. simpleng malande. topakin. tamang gaga.
See my complete profile

Previous Post
Archives
Template by
Free Blogger Templates
hits
ShoutOuts