10.7.08
hindi naman talaga ko mabaet!


pero as much as possible, pinipilit ko naman ngayon na umayos kahit konti.. medyo naniniwala kasi ako na "it will be a better place to live in if we're a little kinder to other people" (asus!)

pero minsan...hinde! madalas pala, napakadaming tao na susubok sa pasensya mo. ala-una hanggang alas nuebe ng gabi yung pasok ko pero sa inaasahang pangyayari (oo, INAASAHAN), alas singko na ng umaga ng susunod na araw ako nakauwi. walang tulugan. normal naman to minsan, iba nga lang nitong huli. ako lang sa buong floor ang tao. gusto ko ng maiyak nung kinamusta ako ng "onsite" namen. syet!naabutan pa nya ko. may araw na sa TATE, tulog na mga tao sa PINAS pero ako'y mabubulag na sa harap ng computer (OA!). pero dahil mabait si onsite, trabaho lang. kung mabait naman yung mga superiors mo (plus dollar-giving individuals), di ko naman sila iiwan sa ere. hehe!

at eto nga, as usual nagtaxi nako pauwi bago ko himatayin sa paglakad. kaloka! at si manong drayber, nagpatugtog ng something na sya lang ang nakakarelate (at ang tatay ko siguro). matanda na sya, madalas kong naiisip na mas mababait yung older people, ewan baket. at pag abba ko nga, biglang sabi na may additional daw na P10. ano nga ba naman yung sampung piso. pero GRRR!!! ang pasensya mo bakla! binigay ko na lang ng may poot ang P10. gusto ko sanang sabihin na, "lolo, sino namang gagong maniniwalang nagtaas na ng sampung piso eh kaya nga may metro". pero di ko na sya inaway. wala na kong energy plus the fact that i hate confrontations. naalala ko tuloy si manong tricycle na siningil ako ng bente papauntang sakayan ng bus pa Manila. susko! GREEDY people! kaya di kayo umaasenso, ang bubuwaya nyo eh! me karma din kayo! iniiwasan kong sumobra preo dahil puyat at pagod ako, senyo ko ibubunton... One time lang -
PAKSYET SILANG LAHAT!!!!
hindi naman talaga ko mabaet! =p
posted by lysher @ 7:21 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
 
 
About Me


Name: lysher
Home: san pablo city, laguna, Philippines
About Me: coffee addict. bano. simpleng malande. topakin. tamang gaga.
See my complete profile

Previous Post
Archives
Template by
Free Blogger Templates
hits
ShoutOuts