as usual umuulan na naman ngayon, at syempre sa ayaw ko't sa gusto mababasa ako. sa haba ba naman ng nilalakad ko(from bahay to MRT station, from station to office)... at syempre, di pa din napigilan ng ulan ang mabagal kong paglalakad.bakit ba, eh hindi naman ako nagmamadali... medyo flexi time naman kami.Ü at as usual ulet, si manong ay nagaabang na naman ng mga payong na basa ng mga empleyado na pupunasan nya para sa mga papasok ng building namen. kung sa podium eh merong plastik na lalagyan ng payong, samen mas shoshal, may manong na taga punas. hehe! joke. wala lang, naisip ko lang tuwing uulan, ilan na ung napagsisilbihan nung basahan nya. kanina, naghintay ako para sa turn ng payong kong mapunasan. "salamat po", sabi ko after. at may sinabi syang di ko masyadong naintindihan.pero i knew he was sure glad to hear that. kasi napansin kong yung iba, biglang alis na lang pagkatapos ni manong sa payong nila.
minsan nakakapagod din yung trabaho o yung mga usual na ginagawa ng mga tao. minsan simpleng "salamat" sa mga mababaw na bagay ok na.sana ma remind ko lagi yung sarili kong maging mabait. haha! la lang, naisip ko lang din na madaming manong at manang sa paligid who do simple but worthwhile favors but then they are not appreciated. kaya she, be good. appreciate small things more often, recognize the littlest efforts.
i said "good morning" to an old lady office mate today. she gave a warm smile. i think i woke up at the right side of the bed. it will be a good day Ü
for the record, eto pa lang ata ang blog entry ko na di ako maldita. ^_^ |