27.9.07
random thoughts
yesterday, my attention was caught by some girl's open zip.she was wearing a skirt and the zip at her back was exposing her pantyhose. i should have told her but then, i am not at ease talking to strangers about their open zip. what the! i don't know what's the reason behind that, it was as if nahihiya akong sabihin eh dapat nga yung girl yung mahiya kasi andami namen kasabay maglakad.oh well, lesson learned: i won't wear a skirt Ü
**----------------------------------------------------------**
i just thought... double-decker mrt/lrt seats would minimize the problem of overloaded trains. but then, i guess there will still be people standing on the upper deck. why is it that when it's raining,you can expect the next train arrive in a minute but then when the sun's roasting you to death, the next train will arrive in 15minutes or more. people will kill just to get in, and will trip while running just to be the first in line to get out of the station.
**----------------------------------------------------------**
coffee makes me full.so i have to drink at about 9 or 10 in the morning and 2 in the afternoon so as to suppress my yearning for food. in the world where all you have to do is sit, analyze and stare at your pc, you have to practice food deprivation so as not to gain unwanted fats and flabs (at least for me). i can't practice healthy eating. in the next few days, i guess ill be introduced to lots of varieties of canned goods.so help me God!
posted by lysher @ 8:54 AM   2 comments
20.9.07
office crushables 101
dahil wala akong magawa ngayon, (tapos ko na ang hands-on exercise sa work) chichismax na lang ako sa blog... eto ang mga crushes’descriptions ko for me and my co-trainees “eye-candy”.

boylet 1: uunahin ko na sya. Siguro he’s in his 30’s, magaling mag Java. Hindi daw kapansin pansin ang beauty ng lolo mo dati. Sabi ni officemate1, ambango bango daw nya, sabi naman ni officemate2, mukha daw syang laging nakangiti. Malaki syang tao.i mean, matangkad. Sayang! Sabi nila, aalis na daw sya… di ko alam kung sa company o sa ibang bansa. Tsk tsk!

boylet 2: eto naman ang mukhang geek nung una, tpos mukha na syang gorgeous nung nagpagupit. Ooppps! Sori mga lola, mukhang taken sya… kahit tingnan mo lang, mukha nga syang matalino

boylet3: sabi ng reliable source, sya daw ay kabilang sa top-performing trainees dati. Mukha syang mahinhing lalake, pero wish ko lng di sya bading. May mali sa kanya, siguro yung smile nya. Hehe! Pero carry pa rin. Minsan nakita ko sya kumakain alone sa pantry, loner kaya ang lolo mo?o di lang tlga friendly.

boylet4: matalino.tahimik. nuf said
posted by lysher @ 3:31 PM   5 comments
13.9.07
just another day...
im so out of concentration today. we have a project and I do not know how to begin it with. it pisses me off. we have to submit it tomorrow and I have yet to produce a decent output. ggrrr! i have a "programmer's block" and i have it for days...

i just wish i'll get this over with as soon as possible
posted by lysher @ 4:39 PM   0 comments
10.9.07
para sa mga isko at iska
mga non-acad tips lang mula sa isang minsang nangarap grumaduate sa Unibersidad ng Pilipinas...



* sumali ka ng org, frat, o soro. sila ang babalik balikan mo pag graduate mo. unless, naging active ka nung mga resident days mo. piliin mo ang sasalihan mo, hindi porke madaming maganda o gwapo eh dun ka na. plus na lang kung maraming "eye candy" sa org mo. maging dedicated! magtrabaho ng walang hinihintay na kapalit... and when you do, matutunan mo ang value ng "service" at "self-sacrifice". kilalanin mo yung mga orgmates, brods at sisses mo. influence people and be influenced.matutuwa kang makakilala ng mga taong sa drama, telenobela, o comedy mo lang inakalang mag eexist.Ü madami silang kwento at makakarinig ka sa kanila ng kwentong totoong buhay pala. sumali ka dun sa magdedevelop ng skills mo at dun sa makaka contribute ka ng kung anong natatagong galing meron ka! sumali ka ng acad org na hindi puro aral (labo noh), oo hindi puro acads. sumali ka dun sa acad org na priority yung acads pero priority din yung individuality mo as a person. sumali ka sa mga civic orgs kung gusto mo o religious orgs kung amen-amen ang trip mo. Basta, sumali ka!



* manood ka ng plays. naappreciate ko talaga ang panonood ng plays sa elbi. again, realidad! nagkalat ang magagaling na aktor/ aktress sa pinilakang tabing. kung gusto mong tumawa, manood ka! sa panonood ko napatunayan ang freedom of expression sa UP (bukod sa rally, hehe). mga bigla na lang naghuhubad sa dilim (silhouette lang naman yung kita), mga bading na naghahalikan...all in the name of art. matutuwa ka dahil madami pala talagang mahusay na manunulat/ direktor etc at hindi lang sila masyado nabibigyan ng break outside UP. (kaya siguro nauuso ang indie film)

* libutin mo ang peyups. hindi lang ung campus, kasama na yung paligid ng campus.explore mo ang masasarap na kainan, masarap tambayan, masarap gimikan etc. discover mo san masarap mag isaw, mag sisig, mag meryenda, mag foodtrip. san mura bumili ng school supplies, san mas ok mag grocery, san pede ma-satisfy ang midnight gutom, san yung mga shortcuts papunta sa mga buildings, san pede mag ghost-hunt, san pede mag swimming, san pede mag aral ng tahimik,maggitara, magsolo, makipag date. make friends with nature chuva. ilang taon ka lang sa up, either ggraduate ka o makikick out ka, EXPLORE! LB is my home away from home.Ü haayyyzz

* manood ka ng Oblation run. hindi ka naman manonood para lang makakita ng "etits" na naglipana sa kanto. alam mo ba kung bakit sila nag ooblation run?! bakit kaya ginagaya ng ibang frat daw na mukhang gang naman ung oblation run?! ewan ko lang pero palagay ko, sa UP lang yung may "sense" yung pagtakbo ng hubo't hubad. hehe!

* gumimik ka sa mga katabing gimikan. alamin mo yung difference ng mga gimikan sa tabi tabi. san ba puro beer lang, san may sayawan, san yung plain tambayan lang, san yung tahimik, san yung maingay, san yung mausok. wag kang uminom kung ayaw mo, pero try mo yung mga alcoholic, chipangga drinks around na lasang juice lang. hehe! lumabas ka lang, chill out. magkape, mag iced tea kung ayaw tumoma. hang out with friends. kung conservative type ka, magsama ka ng close guy friends para walang mamanyak sayo.pag may trabaho ka na kasi, mahirap gumising ng maaga na may hangover kaya stay ka na lang sa bahay. samantalang nung college, kahit alas-siyete ang klase hanggang alas sais inom pa.diretso klase na, walang ligo pa yun.

* magbisyo ka minsan. o teka, hindi ko sinabing mag droga ka.isang bisyo ko nun eh magkape. manghahatak ako minsan ng hausmate in the middle of the night para samahan ako. sori sa mga hindi aagree, pero try mo tumikim ng alcohol o yosi o kung ano man. hindi ako naniniwala na once na natry mo magyosi o mag alak eh maaadik ka na. dito nattest ang responsibilidad mo. nasa sayo yun noh, kung magpapakalango ka o magkaka lung cancer ka. sa UP, hindi maiiwasan na maging surrounded ka with people na may iba't ibang adiksyon. nasa sayo kung sasabay ka sa kanila.

* sumali ka sa rally. hindi naman to literal ah kung ayaw mo. never din ako sumali sa ganun eh. alamin mo lang yung issue at current events sa campus mo. most of the times, may silbi din naman pagiging chismosa kaya gamitin mo yun para makibalita.isa pa, bumoto ka! kung hindi mo kilala yung mga kandidato, eh di bumoto ka pa din.

* finally. enjoy every moment while it lasts..Ü

posted by lysher @ 4:49 PM   2 comments
 
 
About Me


Name: lysher
Home: san pablo city, laguna, Philippines
About Me: coffee addict. bano. simpleng malande. topakin. tamang gaga.
See my complete profile

Previous Post
Archives
Template by
Free Blogger Templates
hits
ShoutOuts